Sanib-pwersa ang mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Quezon City Police District (QCPD), Task Force Disiplina (TFD), Market Development and Administration Department (MDAD), at mga election officer ng COMELEC sa District 1 hanggang 6, sa isinagawang Operation Baklas (Task Force Teardown) para tanggalin ang mga campaign poster at tarpaulins na ilegal na nakakabit sa mga pampublikong lugar o nakapaskil sa labas ng designated common poster areas sa lungsod.
Umabot sa halos 900 campaign materials para sa Barangay at SK Elections ang tinanggal sa iba-ibang distrito sa lungsod.