Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Kasunod ng nangyaring sunog sa Landers Fairview, patuloy ang pagsasagawa ng operational monitoring at supervision ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) Urban Search and Rescue (USAR) Team, sa paglalagay ng apog sa nasabing lugar.
Habang tinitiyak ng mga kawani ng QCDRRMO ang pagsunod sa safety at technical standards, nanguna naman ang pamunuan ng Landers sa paglilinis at pagsasaayos ng operasyon.
Mahalagang bahagi ng post-fire sanitation at vector control ang pagpapakalat ng apog sa lugar ng insidente upang panatilihing maayos at ligtas ang kapaligiran at maiwasan ang mga panganib sa kalusugan.
Kasunod nito, nagsagawa rin ng misting at iba pang safety measures sa lugar










