Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sumailalim sa tatlong araw na Operational Planning ang mga miyembro ng Quezon City Program Implementation Sub-Committee on Child Labor
(QC-PIC) sa pangunguna ng Public Employment Service Office at City Planning and Development Department.
Layon nitong magkaroon ng mas malinaw na direksyon, masusing koordinasyon, at mas mapaigting ang implementasyon ng mga mekanismo ng lokal na pamahalaan kontra child labor.
Sa pamamagitan ng komprehensibong pagpaplano, patuloy sa pagbubuo at pagsusulong ng iba-ibang programa ang QC Government para maprotektahan ang mga kabataan laban sa exploitation at pang-aabuso.








