Nagsagawa ng Operations Center Manual Updating and Testing seminar ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QC DRRMO) kasama ang ilang departamento sa pamahalaang lungsod upang mapatibay at mapabuti pa ang proseso ng lungsod pagdating sa disaster risk reduction and management.

Nagsilbing facilitator ang ilang representante mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nakiisa naman sa seminar sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo at mga district action officers na sina AO Ollie Belmonte ng District 1, AO Alberto Flores ng District 4, at AO William Bawag ng District 5.

+13