Tuloy-tuloy ang isinasagawang Oplan Baklas ng mga kawani ng lokal na pamahalaan upang mabawasan ang maling paglalagay ng mga election paraphernalia sa Lungsod Quezon.
Sinuyod ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety at Traffic and Transport Management Department ang mga lugar sa CP Garcia, Katipunan Avenue, Xavierville, East Avenue, Tomas Morato, Kamuning, Timog, Anonas, at E. Rodriguez ngayong araw.
Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan na bawal ang pagkakabit ng election materials sa mga poste ng Meralco, pampublikong kagamitan at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass sa lungsod.