Sabay na nilibot ng iba-ibang departamento ng Quezon City Government kasama ang Commission on Elections (COMELEC) ang anim na distrito ng lungsod upang magsagawa ng Oplan Baklas.
Layunin ng operasyon na maalis ang mga campaign material na nakalagay sa mga hindi otorisadong lugar alinsunod sa Quezon City Ordinance No. SP-2021 S-2010.
Kasama sa operasyon ang Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Engineering, Task Force Disiplina, Parks Development and Administration Department (PDAD), Department of Sanitation and Cleanup Works at Task Force Streetlighting. Ang bawat team ay sinamahan ng mga election officer mula sa COMELEC, mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) at mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang masiguro na maayos ang operasyon.
Ang Oplan Baklas ay magpapatuloy hanggang matapos ang eleksyon para mapanatili ang kalinisan ng ating mga lansangan at masigurong naipatutupad ang batas at ordinansa sa panahon ng eleksyon.
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-237-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-236-683x1024.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-235-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-234-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-233-1024x683.jpeg)