Patuloy ang Operation Baklas ng COMELEC, katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, sa mga kalsada sa lungsod ngayong araw. Kabilang sa sinuyod ng mga awtoridad ang kahabaan ng Commonwealth Ave., Elliptical Rd., at Masaya Street.
Paalala ng Quezon City Government na mahigpit na ipinagbabawal na magpaskil sa mga sumusunod na lugar:
• Poste ng Meralco
• Pampublikong imprastraktura at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass.
Narito ang listahan ng Common Poster Areas sa lahat ng distrito sa Quezon City na itinalaga ng COMELEC sa panahon ng kampanya:
District 1 – https://www.facebook.com/share/p/16ExAvyCkt/
District 2 – https://www.facebook.com/share/p/1A99KVzE4N/
District 3 – https://www.facebook.com/share/p/1BLwpACfBo/
District 4 – https://www.facebook.com/share/p/1BLVSXwwbh/
District 5 – https://www.facebook.com/share/p/19tXTpLmH7/
District 6 – https://www.facebook.com/share/p/15uBr6jZ4x/
Ang Oplan Baklas ay magpapatuloy hanggang matapos ang eleksyon para mapanatili ang kalinisan ng ating mga lansangan at masigurong naipatutupad ang batas at ordinansa sa panahon ng eleksyon.




