Tuloy-tuloy ang isinasagawang Oplan Baklas ng COMELEC, katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan upang mabawasan ang maling paglalagay ng mga election paraphernalia sa Lungsod Quezon.
Paalala po ng lokal na pamahalaan na bawal ang pagkakabit ng election materials sa mga poste ng kuryente, pampublikong kagamitan at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass sa lungsod.




