Patuloy ang pagbabantay ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa mga sementeryo para matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga bumibisita sa mga yumaong mahal sa buhay ngayong #Undas2022. Tinitiyak din ng mga kawani na naipapatupad ang health and safety protocol sa mga sementeryo at kolumbaryo.

Kabilang sa mga sementeryo na binabantayan ngayon ng Quezon City Law and Order cluster ay ang Holy Cross Memorial Park sa Novaliches, Eternal Gardens sa Baesa, Recuerdo Memorial Homes sa Payatas, Novaliches Public Cemetery, Himlayang Pilipino Memorial Park, at Bagbag Public Cemetery.

Kaisa rin ng mga kawani ng Quezon City Law and Order Cluster sa pagbabantay ang Quezon City Police District (QCPD), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Fire Protection(BFP), Quezon City Transport and Traffic Management Department (QC TTMD), Task Force for Transport and Traffic Management (TF-TTM), Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Department of Public Order and Safety (DPOS), Market Development and Administration Department (MDAD), iba pang departamento ng lungsod, at mga opisyal ng barangay na nakasasakop sa lugar ng sementeryo gayundin ang mismong pamunuan ng sementeryo.

Narito ang ilang gabay na dapat sundin para sa maayos, mapayapa, at ligtas na pagbisita sa mga sementeryo at kolumbaryo ngayong #Undas2022: https://www.facebook.com/QCGov/posts/429669556014356