Puspusan pa rin ang pagbabantay ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa loob at labas ng mga sementeryo upang matiyak ang kaligtasan ng mga bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong #Undas2022.
Pinapaalala din sa QCitizens na sundin ang minimum health and safety protocols na ipinapatupad sa lungsod upang mas maging ligtas laban sa COVID-19.
Kaisa rin ng mga kawani ng Quezon City Law and Order Cluster sa pagbabantay ang Quezon City Police District (QCPD), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Fire Protection(BFP), Quezon City Transport and Traffic Management Department (QC TTMD), Task Force for Transport and Traffic Management (TF-TTM), Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Department of Public Order and Safety (DPOS), Market Development and Administration Department (MDAD), iba pang departamento ng lungsod, at mga official ng barangay na nakasasakop sa lugar ng sementeryo gayundin ang mismong pamunuan ng sementeryo na nagpakita ng kanilang kooperasyon.
Narito ang ilang gabay na dapat sundin para sa maayos, mapayapa, at ligtas na pagbisita sa mga sementeryo at kolumbaryo ngayong #Undas2022: https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid032SN3z5NKNZgfLUnjgWbofedJ7ub8qWBsQytoMmnZgUZeBUFxaznc6DCXj6QwkqN9l