Naka-standby na ang mga miyembro ng Quezon City Law and Order Cluster sa mga sementeryo at kolumbaryo bilang paghahanda sa #Undas2022.
Aabot sa 384 kawani ng lokal na pamahalaan ang naka-deploy ngayong araw sa anim na sementeryo ng lungsod upang tiyakin ang seguridad ng mga QCitizen na bibisita sa puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay. May nakaantabay na ring medical post at ambulansya sa lugar.
Patuloy na magmo-monitor at magbabantay ang pamahalaang lungsod sa mga sementeryo at kolumbaryo upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa paggunita ng Undas.