Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang lungsod upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga QCitizen ngayong paparating na #Undas2022.
Nag-ikot ang QC Task Force Disiplina sa Bagbag Public Cemetery upang mag-inspeksyon at tiyaking maayos ang lahat bago dumagsa ang mga bibisita sa kanilang mga mahal sa buhay.
Nagsagawa naman ng OPLAN KALULUWA ang Quezon City Fire District kung saan sila ay nagbantay sa kahabaan ng Katipunan Ave. at nagbigay ng assistance sa mga motorista at sasakyang nasiraan sa daan.
Kasabay nito ay namahagi rin sila ng Fire Safety Tips leaflets sa mga dumadaan.