Tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng QCitizens sa iba-ibang sementeryo sa lungsod ngayong araw, November 2, upang bisitahin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga bumibisita ay nag-deploy ang lokal na pamahalaan ng mga kawani para mag-ikot at magbantay sa ilang sementeryo sa lungsod kabilang ang Manila Memorial Park – Holy Cross, Novaliches Public Cemetery at Bagbag Public Cemetery.

Kasabay nito ay binantayan rin ng Task Force for Transport and Traffic Management (TF-TTM) ang mga pangunahing kalsada na malapit sa San Juan Cemetery at Manila North Cemetery upang alalayan ang mga pedestrian na dumadaan papunta ng sementeryo at masiguro ang maayos na daloy ng trapiko.

Maraming salamat sa mga kawani ng ating pamahalaang lungsod at ng mga katuwang nito sa paghahatid ng walang patid na serbisyo ngayong #Undas2022 – Quezon City Law and Order cluster, Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Public Order and Safety (DPOS), QC Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMO), Department of Public Order and Safety (DPOS), Quezon City Police District (QCPD), Task Force for Transport and Traffic Management (TF-TTM), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP).