Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nasa 63 katao ang natulungan ng joint reach-out operation na pinangunahan ng Task Force Sampaguita at Oplan Pag-Abot Program sa mga pamilyang nasa lansangan nitong Biyernes ng gabi.
Sa tulong ng rights-based approach ng operasyon ng Lokal na Pamahalaan at Department of Social Welfare and Development, tiniyak na maayos ang pagtrato sa mga nasagip na pamilya sa Timog at Tomas Morato Avenue.
Nakatanggap sila ng hot meals kasabay ng pag-asikaso ng profiling, referral, medical care, at iba pang kinailangang suporta.










