Kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), hangad ng Lokal na Pamahalaan ang kaligtasan ng mga taong naninirahan sa lansangan.

Sinimulan ngayong araw ang “Oplan Pag-abot – Reaching out to Families and Individuals in Street Situation (FISS)” sa Quezon City.

Ang mga kliyenteng natulungan ay nag-antigen test, binigyan ng makakain, hinandaan ng toldang maaaring pagpahingahan, binigyan ng tulong pinansyal at inirehistro sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang magkaroon ng pagkakilanlan.

Kasama rin sa proyektong ito ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Commission on Human Rights (CHR) at iba-ibang departamento ng lungsod – Task Force Sampaguita, Quezon City Police District, City Health Department, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Legal, Traffic and Transport Management Department, Public Employment Service Office, Department of Public Order and Safety, Social Services Development Department, Barangay and Community Relations Department, Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council, Quezon Memorial Circle, General Services Department, at Task Force Disiplina.

+46