FREE CANCER SCREENING IN QC! ⚕️

Inilusad na ng lokal na pamahalaan at ng Department of Health (DOH) ang programang Organized Cancer Screening Services sa opisina ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong araw.

Layon nitong magbigay ng iba-ibang cancer screening services sa mga kababaihan tulad ng libreng Cervical Cancer Screening, Breast Cancer Screening, Family Planning, at HPV Vaccination.

Una na itong napakinabangan ng mga empleyadong babae ng DILG ngayong araw sa tulong ng mga kawani ng QC Health Department at ng grupong Jhpiego. Inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan na isapubliko ito ngayong buwan.

Dumalo rin sa launch sina DOH Usec. Glenn Baggao, kasama ang mga opisyal ng DILG na sina Usec. Atty. Lord Villanueva, Asec. Lilian De Leon, World Health Organization Philippines Coordinator Dr. Rolando Domingo, at TINGOG Partylist Rep. Jude Acidre.

+36