Ibinahagi ng Quezon City Government sa mga kinatawan ng mga hotel sa QC ang iba-ibang programa ng lungsod para sa pangangalaga ng kalikasan.
Ipinaliwanag ng Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department ang Plastic Bag Ban Ordinances at Trash to Cashback Program, habang Calorie Labeling Policy naman ang tinalakay ng QC Health Department. Ang Scholars of Sustenance naman ang nagbahagi tungkol sa Food Surplus Recovery Program.
Layon ng orientation na bigyang-kaalaman ang mga hotel tungkol sa mga environmental initiatives ng QC na kailangan o maaari nilang isagawa sa kanilang establisimyento.