Dumalo ang mga Sangguniang Kabataan chairperson ng lungsod sa orientation tungkol sa Child Rights and Eradication of Worst Forms of Child Labor ng World Vision, sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na malaki ang ginagampanan ng mga kabataan para tuluyan nang tuldukan ang child labor sa lungsod.
Ayon sa alkalde, sa tulong ng mga SK, mas maisusulong ng QC ang isang lungsod kung saan edukado, protektado, at ligtas ang bawat batang QCitizen.
Lumagda rin sina Mayor Joy, Ms Daphne Culanag ng World Vision, at Public Employment Office Head Rogelio Reyes sa Zero Child Labor Manifesto bilang pagpapatibay sa adbokasiya upang tuluyan nang wakasan ang anumang uri ng child labor at exploitation.