Nagsagawa ang Quezon City Government ng orientation sa mga negosyo at establisimyento sa lungsod para sa mabisang pagpapatupad ng discount para sa mga solo parent.
Ipinaliwanag ng Social Services Development Department (SSDD) at Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang mga probisyon ng Republic Act No. 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act at City Ordinance SP-2766, S-2018 na kailangan malaman ng mga business owner.
Sa bisa ng Ordinance SP-2766, S-2018, ang mga rehistradong solo parent ay makakatanggap ng 20 percent discount sa mga food establishment at restaurants tuwing FIRST AT LAST SUNDAY ng buwan.
10 percent na diskwento at VAT exemption naman ang hatid ng Republic Act No. 11861 para sa mga piling produkto para sa mga anak ng solo parents edad 0 hanggang 6.
Katuwang rin ng lokal na pamahalaan sa orientation ang Department of Social Welfare and Development, Bureau of Internal Revenue, at Department of Health.








