Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang pagsalubong ng pagdiriwang para sa Our Lady of the Rosary La Naval De Manila, opisyal nang sinimulan ang Enthronement Rites ngayong Miyerkules ng umaga sa harap ng Welcome Rotonda.
Binasbasan ang La Naval sa pangunguna ni Santo Domingo Church Parish Priest Rev. Fr. Paul Lovell Javier, OP. Dumalo sa programa sina Action Officer District 1 Ollie Belmonte, Barangay Santo Domingo Punong Barangay Michelle Ann Yu-Kim, Barangay Santa Teresita Punong Barangay Rogelio Lanuza, at Parks Development and Administration Department Officer-in-Charge Engr. Teresa Mercado.
Tumugtog din ang QC Symphonic Band at Kingsmen Drum and Lyre Corp mula sa Commonwealth High School.










