Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng selebrasyon ng fiesta ng Our Lady of the Rosary La Naval De Manila, nagkaroon ng motorcade ngayong Huwebes ng umaga sa Sto. Domingo Church at mga kalapit na lugar na nagsilbing blessing stations.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Winston Cabading, OP ang pagbabasbas sa pag-ikot ng La Naval. Masigabo namang dinaluhan at inabangan ng mga QCitizen sa kani-kanilang mga lugar ang mahal na birhen.










