Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QCitizens, halina’t magpa-cool at subukan ang panibagong Outdoor Misting System sa QMC! ![]()
Ngayong patuloy ang nararanasang init at pagtaas ng heat index ngayong summer, binuksan na sa publiko ang panibagong outdoor misting system sa Quezon Memorial Circle (QMC).
Layon nitong maibsan ang init na maaaring magdulot ng pagkahapo, heat cramps at heat stroke.
Patuloy rin sa pagpapaalala ang lokal na pamahalaan na panatilihing plastic free ang lungsod para sa isang malinis at luntiang QC.
Kaya sa mga nagbabalak bumisita, tara na’t dumaan at magpahinga sa misting area, at ‘wag kalimutang magdala ng reusable water bottles at containers. ![]()










