Nagsagawa ng outreach program ang Department of Labor and Employment – NCR at Quezon City Public Employment Service Office para sa mga child laborer kasama ang kanilang mga kaanak sa Quezon City University (QCU) Auditorium.

Napagkalooban ang 50 pamilya ng Certificate of Eligibility upang makatanggap ng livelihood assistance sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP). Nabigyan din sila ng school supplies, disaster preparedness bags at groceries.

Napili ang mga batang benepisyaryo mula sa mga naitala sa malawakang child labor profiling ng lungsod.

Dinaluhan ang programa ni DOLE Undersecretary Atty. Benjo Santos M. Benavidez, DOLE-NCR Regional Director Atty. Sarah Buena S. Mirasol, Engr. Martin T. Jequinto, QCU VPAA Dr. Bradford Antonio C. Martinez, PESO Head Rogelio L. Reyes at iba pang mga opisyales.

+12