Libo-libong trabaho para sa QCitizen!
Upang makapagbigay oportunidad sa QCitizens na nais sumabak sa land at sea-based jobs sa ibang bansa, inilunsad ng QC Government sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ang kauna-unahang Overseas Job Fair sa Lungsod Quezon ngayong araw!
Nasa 3,000 overseas jobs ang hatid ng 25 employer booths. Bahagi ito ng kick-off activity para sa selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng PESO.
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pagbubukas nito kasama sina Councilor Egay Yap, PESO Assistant Manager Joe Macabulos, Department of Migrant Workers (DMW) Asec. Venecio Legaspi, at Andrea Anolin ng DMW.
Para sa Alkalde, tungkulin ng lokal na pamahalaan na gabayan ang QCitizens na nais maging OFWs sa tamang migration processes upang sila ay magtagumpay sa kanilang mga pangarap. Kabilang na rin ang pangangalaga sa kapakanan ng maiiwan nilang pamilya.