Kanya-kanyang hataw ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa P-Pop Craze Dance Contest na bahagi ng QC Employees Day celebration!
First Place ang The General’s Pride 2.0 mula sa City General Services Department; Second Place ang E-Force ng Department of Engineering; at Third Place ang YAMP Dance Company ng Quezon City Youth Development Office.
Pinasalamatan muli ni Mayor Joy Belmonte ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na dahilan ng patuloy na pag-unlad ng Quezon City.
Tinitiyak din ng lokal na pamahalaan ang maayos na kalagayan ng mga empleyado para masigurong de-kalidad ang mga serbisyo na ibinibigay sa mga QCitizen.