Women Power!
Sabay-sabay na pumadyak ang nasa 200 na mga kababaihan kasama si Mayor Joy Belmonte sa idinaos na 8.5-km bike ride event na “Padyak ng Kababaihan Para sa Kalikasan and Earth Hour 2023,” na pinangasiwaan ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) at Gender and Development Council bilang bahagi ng Women’s Month Celebration.
Nakiisa sa event ang mga Persons with Disabilities. Present din sina Assistant City Administrator Alberto Kimpo, CCESD head Andrea Villaroman, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, mga kawani ng City Hall, at iba-ibang bike organizations.
May itinayong booth ng Trash to Cashback program para sa participants na nagdala ng recyclable bottles. Nagpa-raffle din ang lungsod ng tatlong bisikleta.