Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod Quezon sa ginanap na Pag-IBIG Fund StAR Stakeholders’ Accomplishment Report (Quarter 1 to Quarter 3) sa Manila City ngayong araw. Bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, tinanggap ni Atty. Noel del Prado ng QC Human Resource and Management Department ang Special Citation award at Top Employer Award for Government Agency sa NCR.
Iginawad nina Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta ang parangal sa mga natatanging stakeholders, service partner, employers, at top developers na naging kaagapay at nagbigay ng kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng Pag-IBIG Fund.
Nakiisa rin si Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development sa ginanap na parangal.
Congratulations at mabuhay ang QC!