Magdadalawang taon na mula nang maparalisa ang buong mundo dahil sa COVID-19. Marami ang naapektuhan. Nagsara ang mga negosyo at nawalan ng kabuhayan ang maraming mamamayan.

Pero sa kabila ng mga pagsubok na ito naging matatag at hindi nagpatinag ang QCitizens. Sa gitna kasi ng kawalang-katiyakan, hindi nawalan ng pag-asa ang mga residente ng Lungsod Quezon.

At ngayong unti-unti nang nakakaahon ang mundo mula sa epekto ng pandemya, at muling nagbubukas ang mga negosyo para sumigla ang ekonomiya, sabay-sabay tayong babangon na puno ng pag-asa para sa mas magandang kinabukasan.