Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang third-year college student sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Mesa, patuloy na nagsisikap si Syl Vanice Macaranas na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral habang nanunuluyan sa Brgy. San Agustin evacuation center.
Sa pagbisita ni Mayor Joy Belmonte sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog, tiniyak ng Quezon City Government ang pagbibigay ng school supplies sa mga estudyanteng nawalan ng gamit sa paaralan.
May scholarship program din ang lungsod para sa mga kuwalipikadong estudyanteng nangangailangan ng tulong upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.







