Good luck, athletes!
Pinapahalagahan ng lungsod ang galing ng bawat batang QCitizen.
Higit sa 600 na manlalaro at kanilang mga coach ang nakatanggap ng training at transportation allowance mula sa lokal na pamahalaan ngayong araw.
Tulong ito sa kanilang mga pangangailangan bilang kalahok sa ‘PALARO 2024 – National Capital Region’.
Kasama ng alkalde sina Coun. Aly Medalla, Schools Division Office Chief Carleen Sedilla, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, Assistant Schools Division Superintendent Isabel Sibayan, at Superintendent Juan Obierna.




