NCR, idineklarang kampeon sa ika-18 sunod na taon ng Palaro!
Muling itinanghal bilang Overall Champion ng #PalarongPambansa2025 ang National Capital Region matapos mangibabaw sa parehong Elementary at Secondary levels.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, naiuwi ng mga student-athlete mula sa NCR ang 117 gold, 70 silver, at 50 bronze medals mula sa iba’t ibang sports events.
Iginawad nina Department of Education Secretary Sonny Angara at Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc ang tropeo ng karangalan sa delegasyon ng rehiyon sa naganap na closing ceremony.
Dumalo rin sa programa sina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at PVL players Alyssa Valdez, Tots Carlos, at Kyle Negrito.
Gaganapin ang ika-66 na edisyon ng paligsahan sa Agusan del Sur sa susunod na taon.




