Bilang paghahanda sa mga susunod na laban ng atletang QCitizens, nagpulong ang Team QC sa pangunguna ni Dr. Leonardo Dagum Jr. ng Schools Division Office of Quezon City.
Sa pagpupulong, tinalakay ang mga nakamit na tagumpay, mga hakbang para sa darating na paligsahan, at iba-ibang paraan para patuloy na maipakita ang suporta sa mga delegado ng lungsod.




