Isang mainit na pagbati sa Baseball–Elementary team ng National Capital Region na itinanghal na kampeon sa #PalarongPambansa2025. Bahagi ng koponan si Aiden Lazaro na nagmula sa Ateneo de Manila University.
Ipinagmamalaki rin ng pamahalaang lungsod ang mga atletang QCitizen na buong husay na kumatawan sa NCR sa ilalim ng Baseball–Secondary category ng Palaro.




