Patuloy ang laban ng baseball team ng National Capital Region sa #PalarongPambansa2025 matapos ang magkakasunod na panalo!
Wagi ang koponang pinangungunahan ng mga mag-aaral mula sa Ateneo de Manila University sa kanilang laban kontra CVRAA at WVRAA.
Susunod nilang haharapin ang koponan mula sa ZPRAA bukas. Sakaling manalo, aabante ang mga atletang QCitizens sa Quarter Finals.




