Umabot sa 597 na atleta at 88 coaches mula sa National Capital Region, kabilang ang 101 athletes at 23 coaches mula sa Quezon City, ang sumabak sa espesyal na pagbubukas ng Palarong Pambansa 2025 sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Laoag City, Ilocos Norte.
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga atleta na ipursigi ang kanilang mga pangarap, magsanay nang husto, at sikaping sumunod sa yapak nina Manny Pacquiao, Alex Eala, EJ Obiena, Aira Villegas, Nesthy Petecio, Hidilyn Diaz, Carlos Yulo at iba pang natatanging atleta.
Tampok din sa programa ang pagbibigay-pugay kay sports legend Teofilo “Ilocano Shark” Yldefonso.
Kabilang sa mga dumalo sa opening ceremony sina Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos, Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc, at DepEd officials sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, habang nagtanghal naman sina Angeline Quinto, PPop Group Alamat, at mga guro’t estudyante mula sa Ilocos.




