Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nangingibabaw ang lakas at husay ng kabataang Pilipino sa #2026PalarongPambansa!
Panalo ang mga mag-aaral ng FEU Diliman sa Football – Secondary Boys category matapos ang mainit na laban kontra sa koponan ng CALABARZON. Pasok na ang football team sa final games ng torneo.
Hindi rin nagpadaig ang iba pang mga atleta ng NCR sa Volleyball at Basketball, habang nagpatuloy sa tagisan ang iba pang student-athletes sa iba-ibang events ng Palaro.
Bago matapos ang araw, nasaksihan din ng mga atleta, coaches, at manonood ang makulay na pyromusical show na handog ng Agusan del Sur LGU.










