Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naging makulay at masaya ang pagtatapos ng ika-66 na Palarong Pambansa na idinaos sa lalawigan ng Agusan del Sur. ![]()
Pinangunahan nina DepEd Sec. Sonny Angara, Usec. Malcolm Garma, at Gov. Santiago Cane Jr. ang pagpaparangal sa mga rehiyon at atletang nagpakitang-gilas sa pinakamalaking athletic meet ng kabataan sa bansa.
Muling itinanghal ang National Capital Region bilang overall champion ng Palaro. Ito ang ika-19 na sunod na taong nakamit ng rehiyon ang naturang karangalan.
Pinasalamatan din ni Gov. Cane ang lahat ng delegasyon at indibidwal na nakiisa sa matagumpay na pagho-host ng AgSur sa #2026PalarongPambansa










