Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa ang mga opisyal at coaches ng iba-ibang Regional Athletic Associations sa Tribalympics ng #2026PalarongPambansa.
Tampok sa Tribalympics ang traditional sports na sinasalamin ang mayamang kultura ng mga katutubo mula sa Mindanao.
Mayroon ding exhibit kung saan ibinida ang mga ipinagmamalaking sining at produkto ng mga munisipalidad ng Agusan del Sur.
Sa tulong ng Palaro, hindi lang ipinapamalas ang husay ng kabataang Pilipino sa palakasan kundi maging ang pagkakakilanlan ng mga lugar sa Pilipinas.










