Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagdaos ng unang pulong ang Palarong Pambansa 2027 Executive Committee upang simulan ang paghahanda ng Quezon City para sa pagho-host ng pinakamalaking nationwide sports competition para sa mga mag-aaral ng Pilipinas.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pulong kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang city department upang talakayin ang mga plano at koordinasyon para sa matagumpay na pagdaraos ng Palarong Pambansa 2027.








