Nag-bonding ang Overseas Family Circle (OFC) at e-Habilin beneficiaries sa ginanap na “Palarong Pinoy Summer 2025 – Halina’t Maglaro at Makiisa: Pamilyang OFW, Sama-sama sa saya” bilang suporta sa mga anak ng QCitizen Overseas Filipino Workers.
Layunin ng programa na pagtibayin ang ugnayan ng bawat pamilya, pagkakaibigan, at bumuo ng isang matibay na komunidad ng mga pamilyang OFW sa QC sa pamamagitan ng traditional Filipino games.
Inorganisa ng QC Public Employment Service Office ang programa kaisa ng QC Migrants Resource Center at Quezon Memorial Circle.




