Project 4 Public Market, Paleng-QR ready na!

Mas mabilis at convenient na payment transactions sa mga palengke at tricycle ang hatid ng Paleng-QR PH plus program na inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) katuwang ang QC Market Development and Administration Department (MDAD), Department of the Interior and Local Government (DILG) at GCash ngayong araw.

Layunin nitong mapabilang ang market vendors at mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa digital payment ecosystem at maging future ready ang mga QCitizen. Dagdag pa rito, sinisiguro din ng QC ang internet connectivity kung kaya maaaring kumonekta ang publiko sa mahigit 3,500 GoWifi hotspots sa buong lungsod.

Hinimok ni Mayor Joy Belmonte ang iba pang maliliit na negosyante at miyembro ng TODA na makiisa sa layunin ng pamahalaan tungo sa digital financial inclusion.

Nakiisa sa programa sina DILG Usec. for Barangay Affairs Chito Valmocina, BSP Financial Inclusion Office Acting Director Mynard Bryan Mojica, QC-MDAD OIC Margie Santos, at GCash Chief Compliance Officer Cef Sison.

Nakibahari rin sa okasyon sina Coun. Wency Lagumbay, Coun. Chuckie Antonio, Coun. Anton Reyes, Coun. Vic Bernardo, former councilors Peachy De Leon at Julian Coseteng, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, at Luigi Pumaren bilang kinatawan ni Rep. Franz Pumaren.

+50