MAAGANG PAMASKONG HANDOG NG QC!
Personal na namahagi si Mayor Joy Belmonte ng mga gift bags sa 2,625 na mga miyembro ng Joy Belmonte Volunteers Movement (JBVM) mula sa 11 na mga barangay ng District 6, sa Silvina Covered Court.
Taos-pusong pinasalamatan ni Mayor Belmonte ang volunteers para sa 13 taon na walang humpay na pagbibigay suporta sa kanya.
Katuwang ng Alkalde sa pamamahagi ng maagang pamasko sina District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, at Barangay Talipapa Captain Atty. Eric Juan.