MAAGANG PAMASKO MULA SA QC!
Taos pusong nagpasalamat si Mayor Joy Belmonte sa 3,405 na miyembro ng District 1 Joy Belmonte Volunteers Movement (JBVM) sa kanilang walang sawang suportang ibinibigay sa kanya at sa Lungsod Quezon.
Personal na namahagi ang Alkalde ng gift bags para sa mga volunteer katuwang sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte at Martin Manese ng Amoranto Sports Complex.





























