Aabot sa 1,000 tindero at tinderang QCitizen sa District 1 ang nakatanggap ng pamaskong handog mula sa pamahalaang lungsod.
Pinangunahan nina District 1 Rep. Arjo Atayde, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Bernard Herrera, Coun. TJ Calalay, Coun. Charm Ferrer, Coun. Joseph Juico, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at Mr. Gab Atayde ang pamamahagi ng grocery packs.
Ang pagbibigay ng pamaskong handog bags ay pasasalamat ng Quezon City Government sa walang sawang pagtitiwala at suporta ng mga QCitizen.