SA QC, BAWAT SEKTOR MAY REGALO!
Personal na namahagi si Mayor Joy Belmonte ng grocery package para sa 1,300 na Persons with Disabilities at mga miyembro ng LGBTQIA+ community mula sa District 1.
Inihayag ni Mayor Joy na aabot sa isang milyon ang Pamaskong Handog bags na sabay-sabay na ipinamamahagi sa lungsod. Nais ng Alkalde na bawat pamilya sa QC ay magkaroon ng pandagdag handa sa nalalapit na kapaskuhan.
Kasama ng Alkalde sa pamamahagi sina Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Chief of Staff Rowena Macatao, at Brgy. Veterans Village P/B Josefina Landingin.