PAMASKO SA QCITIZENS! 🎁

Naihatid na ang maagang pamasko sa 1,788 miyembro ng TODA, parent-teachers associations, at ng LGBTQIA+ community sa Distrito 2.

Namahagi si Mayor Joy Belmonte ng noche buena package kasama sina District 2 Councilors Mikey Belmonte, Candy Medina, Rannie Ludovica, Atty. Bong Liban, at D2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.

Ayon sa Alkalde, ang pamaskong handog ng Lungsod Quezon ay paraan ng lokal na pamahalaan upang ibalik ang pasasalamat sa taos-pusong suporta ng QCitizens.

#TayoAngQC

#QC85th

+15