DAGDAG PANG-NOCHE BUENA! 🥳

Sinagot na ni Mayor Joy Belmonte ang pandagdag handa sa nalalapit na kapaskuhan ng 1,735 solo parents at persons with disabilities (PWDs) mula sa Distrito 2.

Sa kanyang talumpati, ipinangako ng alkalde ang patuloy na pagdami ng mga social services programs at project ng Lungsod Quezon na kakalinga sa mga residenteng solo parents at PWDs.

Katuwang ni Mayor Joy sa pamamahagi ng pamaskong handog sa QCitizens ang District 2 Councilors Dave Valmocina, Aly Medalla, Candy Medina, Mikey Belmonte, D2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at Bart Corpus.

#TayoAngQC

#QC85th

+10