Maagang pamasko para sa mga manininda sa District 2!
Nasa 2,000 ambulant vendors at informal workers mula District 2 ang nakatanggap ng pamaskong handog bags mula sa Quezon City Government.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang mga gift bag ay pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa patuloy na tiwala at suporta ng mga QCitizen.
Dagdag pa ng alkalde, hindi magiging maunlad ang Quezon City kung hindi dahil sa pakikiisa ng mga mamamayan sa bawat programa at adbokasiya na ipinapatupad ng pamahalaang lungsod.
Kasama ni Mayor Joy na namahagi ng gift bags sina District 2 Rep. Ralph Tulfo, Coun. Dave Valmocina, Coun. Candy Medina, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, former councilor Atty. Bong Liban, at Mr. Bart Corpus.