Patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pamamahagi ng Pamaskong Handog sa ikalawang distrito sa lungsod.
Ngayong araw, umabot sa halos 3,000 Barangay Public Safety Officer (BPSO) volunteers mula sa Brgy. Bagong Silangan, Brgy. Batasan Hills, at Brgy. Payatas ang nakatanggap ng christmas bags.
Isinagawa ang pamamahagi sa Commonwealth Heights Covered Court sa pangunguna ni D2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.