Daan-daang QCitizens mula District 3 ang nakatanggap ng early christmas gift mula sa Quezon City Government!

Nasa 972 ambulant vendors at informal workers ang nabigyan ng pamaskong handog ngayong umaga, sa Risen Garden sa Quezon City Hall.

Lubos na pinasalamatan nina Mayor Joy Belmonte at District 3 Rep. Franz Pumaren ang mga residente dahil sa patuloy nilang suporta sa mga programa at adhikain ng lungsod.

Kasama nina Mayor Joy at Rep. Franz sa pamamahagi ng grocery bags sina Coun. Don De Leon, Coun. Chuckie Antonio, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, at Mr. Luigi Pumaren.

+15